ang taong mahal mo o ang taong gusto mong mahalin?
ang taong kasama mo buong araw o ang taong iniisip mo bago matapos ang araw?
siya bang kasakasama mo sa lahat ng ginagawa mo
o siyang dahilan ng lahat ng galaw at kilos mo?
ung taong nais mong makasama habang buhay
o ung taong di mo makita ang habangbuhay pag wala siya?
sinong mas matimbang...
sinong mas matimbang...
ung taong pag kasama mo'y parang kay bilis ng oras
o ung taong tuwing iniisip mo'y parang kay tagal ng oras?
ano ang susundin mo...
ano ang susundin mo...
ang idinidikta mo sa puso mo ang ang idinidikta ng puso mo syo?
siya ba un laging pumapasok sa isip mo o siya un laging laman ng panaginip mo?
sino nga ba...
ang taong nagpaluha syo o ang taong nagpunas sa minsang pagluha mo?
ang taong nagpapatawa syo o ang taong dahilan ng lahat ng iyong emosyon?
sino nga bang pipiliin mo?
sino nga bang pipiliin mo?
ang taong muling nagbukas ng puso mo o ang taong matagal ng nandoon...?????? ^_^
No comments:
Post a Comment